Thursday , June 4 2026
Blind Item, Mystery Man in Bed

Male star natakot nang marinig ang balita sa monkeypox

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAKOT na bigla ang isang male star, na talamak naman ang pakikipag-date sa mga bading noong araw, matapos daw mapanood sa telebisyon si Kim Atienza, na nagsabing nakukuha sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki ang labis na kinatatakutang “monkeypox.” 

Mali at tama. Tama na ang pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki ay sinasabing maaaring pagmulan ng “monkeypox.” Kagaya rin ng HIV/AIDS, kung magkakaroon sila ng abrasion sa pagtatalik, maaaring lumipat ang virus. Mali dahil hindi lang sa pagtatalik ng mga bading makukuha ang monkeypox virus, at hindi ibig sabihin na kung babae at lalaki ang magtatalik ay hindi possible ang monkeypox.

Tama at mali pa rin. Tama dahil nagreport lang naman si Kim kung ano ang sinasabi ng   mga eksperto sa monkeypox. Mali dahil hindi naman dapat paniwalaan si Kim  tungkol sa mga sakit dahil hindi naman siya doctor. Ganoon din hindi namin maintindihan kung bakit pinalalabas siyang weather expert ganoong hindi naman siya meteorologist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …