ni Ed de Leon
SINASABI raw ng manager ng isang baguhang male star, wala siyang chances na maging artista sa panahong ito kundi sa mga indie na kung saan dapat ok lang sa kanya ang maghubad at magbuyangyang ng kung ano mang maipakikita niya. Iginigiit din daw niyon na hindi niya maiiwasan ang mga gay indie, tutal may experience na rin naman siya sa ganoon at “bi naman siya.”
Ewan kung bakit ganyan na ang kaisipan ng mga baguhang manager ngayon. Sa tingin ba nila talagang wala nang disenteng professional sa Pilipinas?