HATAWAN
ni Ed de Leon
MABILIS daw na naka-move on si Jeric Gonzales mula sa split nila ni Rabiya Mateo. In the first place totoo bang nagkaroon sila ng relasyon? Palagay namin kung nagkaroon man ng relasyon, hindi seryoso. Noong una nga naming narinig, iyan ang inisip agad namin, isang publicity slant lang para sa isang project. Isa pa, makabubuti iyon kay Jeric dahil matatakpan na ang mga tsismis sa kanila ni Sheryl Cruz na malaki rin naman ang tanda sa kanya, at saka iyan ngang sumabog na namang gay issues.
Sa parte naman ni Rabiya, na ang puhunan lang nang pumasok sa showbiz ay isa siyang beauty title holder, mas makatutulong iyon para ilapit siya sa masa.
Pero ang totoo, hindi kami kumbinsido na may seryosong relasyon, dahil kung seryoso iyan tiyak iyon, may mga iintriga agad sa kanilang relasyon. Eh wala eh.
Ngayon naka-move on na raw si Jeric. Hindi nila sinabi kung move on na move on na rin si Rabiya. In the first place kailangan bang mag-move on?