Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Annie Mateo, 46 years old, ng San Mateo, Rizal.
Nagtatrabaho po ako sa isang patahian. Halos 8-oras po akong nananahi at dahil wala akong ibang maaasahan, pagdating sa bahay ay gumagawa pa rin ako.
Hindi naman po sa nagrereklamo, alam ko naman pong normal lang ‘yung gawain sa bahay at nasa pagtutulungan ng bawat miyembro ng pamilya kung paano ito gagaan.
Pero dahil sa hindi maayos na pagbabalanse ng trabaho sa bahay at sa tahian, nagkaroon po ako ng pasma. Naranasan ko po ang panginginig ng kalamnan at kung minsan pinapawisan ako nang malapot at pagkalamig-lamig.
Mabuti na lang po at mayroon akong tiyahin na nagturo sa akin na maligo ako ng maligamgam na tubig at magsuob ako. Pagkatapos ay magpahaplos ng KRYSTALL Herbal Oil sa buong katawan. Uminom ng mainit na sabaw at kumain nang regular sa oras saka mag-take ng Krystall Vit B1 B6.
Medyo matagal din po bago bumalik sa normal ang aking pakiramdam. Umabot din po nang halos isang buwan, pero hindi po ako sumuko, hanggang isang umaga nagising ako na magaan na ang aking pakiramdam.
Tuwang-tuwa po ako Sis Fely. Maraming, maraming salamat po sa inyong mga imbensiyon.
Sumasainyo,
ANNIE MATEO
San Mateo, Rizal