Monday , August 11 2025
Alden Richards Yohan Castro Joshua Garcia

Alden at Joshua feel ni Yohan Castro gumanap sa kanyang life story

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

GUSTO nang guwapo at talented singer na si Yohan Castro na sinuman kina Alden Richards Joshua Garciaang gumanap bilang siya sakaling isasatelebisyon ang kanyang life story sa Magpakailanman ng GMA-7 o sa Maalaala Mo Kaya.

Si Alden po kasi ang parang Piolo Pascual ng ABS-CBN. ‘Yun ang datingan ni Alden sa GMA-7. ‘Yung mga heavy role sa acting nakakamit talaga ni Alden. Kung sa ABS naman po magkakaroon ng chance na maibahagi ‘yung aking life story siguro po si Joshua Garcia. Ang galing po niya. Nakikita ko kung paano siya umarte sa mga pelikula at mga teleserye sobrang galing niya,” sabi ni Yohan.

Maganda ang life story ni Yohan dahil makulay at challenging din ang kanyang mga pinagdaanan at naranasan bilang isang singer, SPED teacher ng mga batang may autism at may special needs, isang overseas Filipino worker sa Macau at ngayon bilang brand ambassador ng iba’t ibang produkto at services.

Ako po si Yohan Castro, 25 years old, mula po sa Batangas. Nagbabalik po ako sa showbiz. Before po hawak po ako ng the late OPM icon na si Ms. Claire Dela Fuente from ‘Protege’ Season 1. So, roon talaga ako nag-start sa showbiz. Nagkaroon din po ako ng experience na makatrabaho ang iba’t ibang artista at singer like sina Ogie Alcasid at Aiza Seguerra. After niyon nabuwag ‘yung aming group na binuo ni Ms.Claire. Ang plano kasi niya noon maging IL Divo kami ng Pilipinas. Pero noong mabuwag siya, hindi ko na naipagpatuloy ‘yung career ko. Nangibang bansa na lang ako, nagtrabaho ako bilang isang OFW sa Macau, China as a hotel staff sa Venetian Hotel. Tapos sa Wynn Hotel Macau. After that nagkaroon ng pandemic, so bumalik ako rito sa Pilipinas. And then ngayon naging endorser ng iba’t ibang produkto at services,” salaysay ni Yohan.

Endorser at brand ambassador si Yohan ng Queen Eva Salon, Luminescence Face and Body Care, Le Premier Language International, General Trias Medical Hospital, Wash N’ Fresh Laundry Cafe, at Tierra Montephine Resort Timberlake.

Ngayong nagbabalik showbiz si Yohan, gusto niya ring sumabak sa pag-arte bukod sa pagkanta. May gagawin na siyang BL series o movie kasama si Bidaman Miko Gallardo. Naghahanda na rin si Yohan para sa kanyang upcoming album at concert.

May guestings din siya sa Letters And Music ng NET 25 at sa COVID Out, Ate Gay In comedy concert sa Music Box sa Quezon City ngayong April 28.

Sa tinatamasang blessings ni Yohan ngayon, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mabait na manager na si Dr. Arthur Cruzada. “After Ms. Claire Dela Fuente, nakita ko po sa kanya yung sigasig sa pag-handle ng talent although baguhan pa lang siya sa pagma-manage. Pero meron kasi siyang genuine heart to help people at alam kong matutulungan niya ako to have better future and a good career.”

Goodluck, Yohan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

MaxBoyz Pedro Red Liza Soberano

Red ng MaxBoyz gustong makatrabaho si Liza

RATED Rni Rommel Gonzales MIYEMBRO ng all-boys sexy group na MaxBoyz si Red na noo’y nakilala at nainterbyu na …