Thursday , June 13 2024
Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga kompanya at brand na nakapagpapaganda ng buhay ng maraming tao at may credibility.

Ito nga ang sinabing dahilan at naging konsiderasyon ni Piolo kaya tinanggap na maging ambassador ng Beautederm, bukod siyempre sa epektibong mga produkto nito.

“First and foremost, when I endorse something you have to believe in the product, right?  There has to be credibility. So, when it was offered to me and used the soap which was before it was Beau, you know even the whole family started using it as well. So, I realized it was really effective. 

“And also when you like to support local businesses especially this kind of business that Ms. Rhea Tan put on her own, naka-e-encourage when you see this business grow and you grow with them as well.

“So, for me it was a no-brainer to really accept it considering with all our ambassadors na iba-iba rin ‘yung produktong ine-endorse. Sa akin po talaga okay pong mag-endorse ng isang produktong alam kong makapagpapaganda ng buhay ng maraming tao at may credibility,” paliwanag ni Piolo.

Nagpapasalamat nga si Piolo kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan na muling ini-renew ang kontrata niya bilang ambassador. Sinabi pa niyang bilib siya sa bagong Beautederm products na ine-endorso niya—ang oral care essentials na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na ito that I absolutely love. Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na hindi lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa germs at viruses.”

Sobrang excited at maligaya naman si Ms. Rhea na makasama si Piolo sa Beautederm family sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon. “Who doesn’t love Piolo? No one could ever argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men. Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference,” papuri pa ni Ms. Rhea kay Piolo. 

About Glen Sibonga

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Grae Fernandez Pamilya Sagrado

Grae Fernandez walang kabang nakipagsalpukan kina Piolo, Tirso, at Mylene

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI agad namin nakilala si Grae Fernandez nang mapanood ito sa celebrity …

Lae Manego

Asia’s Queen of Fire Lae Manego may concert sa Pier 1 

MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng konsiyerto ang tinaguriang Asia’s Queen of Fire at International singer …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …