PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MALAKING katanungan ng fans at netizens kung totoong ikakasal na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo sa Marso?
Nag-viral kasi ang picture na nagpapakita sa “marriage banns” nina Erich (Erika Chryselle Gonzales Gancayco sa totoong buhay) at Mateo sa bulletin board ng Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang. Nakalagay dito na nakatakdang ikasal ang dalawa sa March 23, 2022.
Pero hindi pa naglalabas ng pahayag at kompirmasyon si Erich tungkol sa napapabalitang kasal niya nang isulat namin ito.