Thursday , June 4 2026
Paolo Ballesteros Vice Ganda

Paolo at Vice Ganda walang rivalry

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PINATUNAYAN nina Paolo Ballesteros at Vice Ganda na mabuti silang magkaibigan at wala silang rivalry kahit pa nasa magkalabang noontime shows sila. Si Paolo ay co-host sa Eat Bulaga habang main host naman si Vice sa It’s Showtime.

Ipinost ni Paolo ang picture nila ni Vice na kuha sa queer acquaintance party na inorganisa ng Unkabogable Star para sa social media stars and emerging showbiz personalities dubbed The UnkabogaBall.

Ibinahagi ni Paolo ang pictures nila matapos ilabas ni Vice ang YouTube vlog niya ng naturang event.

Sa caption nito ay pinasalamatan pa ni Paolo si Vice, “Ayun ang mga vukluh! Hehe thanks  @praybeytbenjamin  @kaladkaren @jigglycalienteofficial

Komento naman si Vice, “Awra soonest! Yabyu!”

Reply ni Paolo, “Gow! Labya!”

Samantala, may mga netizen naman na natuwa sa friendship ng dalawa at nagkomento pa na sana ay magsama sila sa isang pelikula o hindi kaya ay mag-collab sa YouTube vlog. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …