Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herbert Bautista

Bistek magaling na public official

HATAWAN
ni Ed de Leon

ILANG araw na naming pinag-uusapan ni dating Mayor Bistek (Herbert Bautista) ang kanyang mga plano. Undecided pa siya noon kung tatakbo nga siya para sa isang local position, o bilang senador. Pero ang sabi niya sa amin, bahala na ang partido kung saan siya mas kailangan. Si Mayor Bistek ay kasapi ng Nationalist People’s Coalition noon pa, at hindi naman siya lumipat ng partido, hanggang noong Miyerkoles nga, nagharap na siya ng COC bilang isang senador.

Noong nakaraang eleksiyon pa inaasahan ang kanyang pagtakbo bilang senador, dahil ubos na nga ang kanyang term bilang mayor ng Quezon City. Pero matinik din ang advisers ni Bistek, dahil kung sumama siya sa grupong kumukuha sa kanya noon, aba baka nakasama siya roon sa walong sabay-sabay na nahulog. Naghintay siya ng tatlong taon lang, at ngayon masasabi ngang mayroon siyang better standing.

Iyang si Bistek, high school pa lang nang makilala namin. KB Chairman pa lang siya noon. Pero noon pa man nakita na namin ang ambisyon niya sa public service. Bilang KB federation president, nanungkulan na siya bilang konsehal ng lunsod. Naging konsehal ulit, naging vice mayor, hanggang maging mayor ng Quezon City.

Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan, naiwan niya ang pagiging artista, at inaamin naman niya na mas malaki ang kinikita niya bilang artista kaysa noong mayor siya. Aba eh talaga namang mas malaki ang bayad sa mga artista kaysa mayor. Iyong sikat na artista talaga, aba eh mas malaki ang bayad kaysa presidente pa ng Pilipinas. Pero happy siya eh. Iyang si Bistek happy iyan na nakikipag-usap sa mga tao, nakatutulong siya kahit paano. Natatandaan pa nga namin may kuwento pang may matandang suki iyan na nagtitinda ng bubble gum. Kukuha siya ng isa bibigyan niya ng P100 iyong matanda. Naaawa kasi siya pero natutuwa na iyong matanda ay naghahanapbuhay at hindi gaya niyong iba na uupo sa isang sulok at mamamalimos na lang. Happy siya sa ganoong buhay eh.

May kuwento pa iyan eh. Nagkaroon siya ng traffic violation, hinuli siya ng enforcer, na siyempre hindi nakakibo nang makitang iyong mayor pala ang hinuli niya. Nagpa-ticket si Bistek at nagbayad  ng multa, kasi ang paniwala niya kahit mayor ka kung gumawa ka ng mali, magmulta ka. Ayaw naming mag-endoso ng politiko, pero ang paniwala namin magaling na public official si Bistek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …