Monday , May 23 2022
Joy Belmonte, RPMD
Joy Belmonte, RPMD

Belmonte pa rin sa QC

HINDI natinag ng kahit anong paratang ng katiwalian, ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Lungsod Quezon dahil patuloy nilang sinusuportahan ang mahusay na pamamahala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa huling resulta ng independent survey na pinangasiwaan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa pamumuno ni Dr. Paul Martinez, muling nakapagtala ang Mayora ng malaking porsiyento kompara sa kanyang mga posibleng makatunggali sa darating na halalan sa susunod na taon.

Sa ulat ni Dr. Martinez, 52 porsiyento  ng mga taga-Quezon City ay patuloy na nagtitiwala at sumusuporta kay Mayor Belmonte para pamunuan ang kanilang lungsod.

Ito ay sa kabila ng mga paratang ng mga katiwalian na ibinabato kay Mayor Belmonte ng mga posibleng maging katunggaling politiko ng punong-lungsod sa darating na halalan.

“Mayor Joy Belmonte, the incumbent of Quezon City achieved a 52% mark lead,” ang nakasaad sa ulat ng survey nila Dr. Martinez.

Ganoon pa rin ang resulta ng survey na ang malayong pumapangalawa sa Mayora ay ang dating punong-lungsod na si Herbert Bautista, nakapagatala ng  21%, na sinusundan ni partylist congressman Michael Defensor, nakakuha ng 20%.

Ang huling survey ayon kay Dr. Martinez ay isinagawa noong 3 Setyembre hanggang  15 Setyembre 2021. 

Tinanong dito ang 5,750 residenteng registered voters, edad 18 hanggang 70 anyos, at kinuhaan ng kanilang mga opinyon hinggil sa kanilang napupusuang maging punong-lungsod.

Ang 52% na naitala ni Mayor Belmonte, ay nangangahulugang ang mga mamamayan ng Quezon City ay patuloy na naniniwala sa kakayahan ng Mayora na pamunuan ang lungsod sa pamamagitan ng mahusay at mabuting pamamahala.

Matatandaang sa unang survey ng RPMD na isinagawa mula 1 Agosto hanggang 10 Agosto 2021, nakapagtala rin si Belmonte ng 57% trust rating.

About hataw tabloid

Check Also

knife saksak

Kelot na nanaksak ng trike driver, binaril ng pulis

DEDBOL ang isang lalaking nag-amok at nanaksak ng isang tricycle driver matapos barilin ng isang …

Baby Hands

Sa Villaverde, Nueva Vizcaya,
BUNTIS NANGANAK SA POLICE PATROL CAR, NAGKOMADRONA

NAGSILBING mga komadrona ang mga pulis sa bayan ng Villaverde, lalawigan ng Nueva Vizcaya nang …

dogs

Mga asong ibibiyahe sa katayan nasagip 3 tirador nasukol

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos mahuli sa aktong nagtatago ng mga buhay na aso upang …

dead gun police

Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY

AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan …

Valenzuela

24th 3S center sa Vale binuksan

PINANGUNAHAN ni Mayor Rex Gatchalian at Deputy Speaker Wes Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng …

Leave a Reply