Saturday , March 25 2023
Fernando Poe Jr Avenue

Rooosevelt Ave. gustong palitan ng Fernando Poe Jr. Ave.

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMING plano para sa mga star dito sa Quezon City. Matapos na ipasa ng Sanggunian noon ang panukalang ordinansa ng noon ay konsehal pang si Dingdong Avanzado, na binigyan ng todong back up ng master showman na si Kuya Germs, at ang lunsod ay tinawag na ngang City of Stars, nagkaroon ng isang malaking parada ng mga artista mula sa Welcome Rotonda hanggang sa Quezon Memorial Circle.

Natatandaan namin na nagkaroon din ng panukala na ang kahabaan ng Quezon Avenue na siyang main thoroughfare ng lunsod, ay lalagyan ng mga star, parang Walk of Fame sa Hollywood. Pero hindi nagawa iyon, kaya itinuloy na lang ni Kuya Germs sa loob ng Eastwood na sakop din naman ng Quezon City.

Dito sa Quezon City may bahagi rin ng kalye sa may Ortigas na tinawag ma Judge Jose Vera drive, bilang parangal sa nagtatag ng Sampaguita Pictures at nagkaloob ng kanyang property sa lunsod para gawing kalye. Pinangalanan ding Eugenio Lopez drive, ang isang bahagi ng dating Scout Albano bilang pagkilala sa nagtatag ng ABS-CBN. Hindi rin naman pahuhuli ang GMA, dahil nagkaroon ng GMA Network Drive, na para tuloy naging parking area na ng mga taga-GMA.

Noong panahong nasa puwesto pa si Mayor Bistek (Herbert Bautista), may plano niya na magtayo ng monumento ng mga haligi ng film industry sa Tomas Morato Avenue, na inayunan din ng dating MTRCB Chairman Manoling Morato. Pero hindi natuloy iyon.

Ngayon may umuugong na namang mga plano, dahil kung pipirmahan daw ng presidente ang batas na ginawa ng senado na ang Rooosevelt Avenue ay pangalanang Fernando Poe Jr. Avenue, bilang parangal sa hari ng pelikulang Pilipino, may gustong magtayo ng monumento ni FPJ sa kalye, at ang sabi roon dapat sa kanto ng Roosevelt at Del Monte, dahil nasa kalyeng iyon din ang studio at museo ni FPJ.

Hindi namin alam kung mapapayagan iyan dahil sa ngayon ni luluwagan nga ang mga lansangan ng lunsod at kung maglalagay sila ng monument sa lugar na iyon, makasisikip nga sa masikip nang traffic sa kantong iyon. Pero hindi natin masasabi, marami pa ring followers si FPJ, at baka marinig din sila at pagbigyan ng pamahalaang lunsod.

About Ed de Leon

Check Also

Salome Salvi

Salome Salvi, aminadong passion ang paggawa ng adult entertainment

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA si Salome Salvi bilang adult content creator. Maraming boys ang …

Alfred Vargas Nora Aunor

Alfred naramdaman ang Nora Aunor Magic; naalala ang inang yumao

EMOSYONAL si Alfred Vargas matapos kunan ang ilang madadramang eksena nila ni Nora Aunor. Nag-post si Alfred sa …

LA Santos Kira Balinger Maple Leaf Dreams

LA at Kira bida na sa pelikula 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA kami sa natuwa nang mabalitaang magbibida na sa pelikula …

Hori7on

Dash music video ng Hori7on trending na ‘di pa man naipalalabas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TRENDING at pinag-uusapan na agad hindi pa man nailalabas ang …

Nikko Natividad Wilbert Ross Andrew Muhlach Mikoy Morales Vitto Marquez

Wilbert, Andrew, Mikoy, Vitto muntik malagay sa alanganin
NIKKO NAPIKON, NAGSUMBONG SA VIVA MANAGEMENT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GUSTONG-GUSTO na pala talagang pagsusuntukin ni Nikko Natividad sina Wilbert Ross, Andrew Muhlach, …

Leave a Reply