Saturday , May 24 2025
Herbert Bautista
Herbert Bautista

FB ni Bistek na-hack

HATAWAN
ni Ed de Leon

 “NOONG 2018, iyong cellphone ko ang na-hack, marami ang nagsasabing tine-text ko raw, ganoong ako mismo hindi ko magamit ang dala kong cellphone. Ngayon naman iyang FB page. Nagsimula iyang page na iyan noon para mas mabilis ngang maipaabot ng mga mamamayan sa akin kung ano ang gusto nila. Hindi ako mismo ang nagbabantay niyan. May admin at staff na nag-aayos lahat niyan.

“Iyong personal kong FB, iyon ang binubuksan ko. Hanggang noong isang araw, may nagsabi sa akin na may naka-post daw na porno. Noong sabihin ko alam na ng admin.

“Nakapag-request na raw sila ng investigation sa facebook mismo.

Nai-report na rin nila sa anti-cybercrime group ng PNP,” sabi ni Herbert Bautista mismo sa amin.

Actually ang dahilan daw kung bakit mine-maintain pa rin niya ang Facebook account na iyon ay dahil may mga mamamayan pa ring gustong magpa-abot ng mensahe sa kanya kahit hindi na siya mayor.

“Ayoko lang patigil iyon dahil sa tao rin. May mga inilalapit sa akin, hindi man ako mayor, mga kaibigan ko rin naman ang mga iyan. Kung makatutulong naman ako bakit nga ba hindi ko gagawin.

“Hindi naman ako tutulong lang dahil nakapuwesto ako,” dagdag pa ni

Bistek.

About Ed de Leon

Check Also

Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy gem na makatrabaho sina Nadine, Janno, Arthur, at Pops

SI Billy Crawford ang host ng programa at kasama niya ang all-star at powerhouse na bagong panel …

Encantadia Chronicles Sanggre

Character teasers ng Sanggre pinag-uusapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles Sang’gre ay sunod-sunod nang ipinakita ang …

Dolly de Leon Vilma santos

Dolly de Leon pinaghahandaan project kasama si Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Dolly de Leon ha. Bukod sa kanyang bonggang role sa Hollywood …

Barbie Forteza Kyline Alcantara

Barbie at Kyline mala-Koreana ang atake sa Seoul

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG sumakses si Choi Bo-Min sa pag-welcome sa kanyang Beauty Empire co-stars na sina Barbie Forteza, …

Sofia Andres

Netizens naloka sa paghahanap ng PA ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAKALOKA ang naging reaksiyon ng netizen sa panawagan ni Sofia Andres sa paghahanap …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *