Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herbert Bautista
Herbert Bautista

FB ni Bistek na-hack

HATAWAN
ni Ed de Leon

 “NOONG 2018, iyong cellphone ko ang na-hack, marami ang nagsasabing tine-text ko raw, ganoong ako mismo hindi ko magamit ang dala kong cellphone. Ngayon naman iyang FB page. Nagsimula iyang page na iyan noon para mas mabilis ngang maipaabot ng mga mamamayan sa akin kung ano ang gusto nila. Hindi ako mismo ang nagbabantay niyan. May admin at staff na nag-aayos lahat niyan.

“Iyong personal kong FB, iyon ang binubuksan ko. Hanggang noong isang araw, may nagsabi sa akin na may naka-post daw na porno. Noong sabihin ko alam na ng admin.

“Nakapag-request na raw sila ng investigation sa facebook mismo.

Nai-report na rin nila sa anti-cybercrime group ng PNP,” sabi ni Herbert Bautista mismo sa amin.

Actually ang dahilan daw kung bakit mine-maintain pa rin niya ang Facebook account na iyon ay dahil may mga mamamayan pa ring gustong magpa-abot ng mensahe sa kanya kahit hindi na siya mayor.

“Ayoko lang patigil iyon dahil sa tao rin. May mga inilalapit sa akin, hindi man ako mayor, mga kaibigan ko rin naman ang mga iyan. Kung makatutulong naman ako bakit nga ba hindi ko gagawin.

“Hindi naman ako tutulong lang dahil nakapuwesto ako,” dagdag pa ni

Bistek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …