USAP-USAPAN ang pagbebenta ng sex video ng isang indie male star para umano may maipantustos sa kanilang kabuhayan at sa pagpapagamot ng kanyang asawa sa panahong ito ng pandemya. Pero marami ang nagsasabing hindi na bago ang istoryang iyan, dahil ilang taon na ang nakararaan, may ginawa na rin siyang isang video scandal na kumalat na sa internet dahil sa isang gay website.
Hindi na rin naman nakapaninibago iyon dahil ginawa na rin naman niya ang maglabas ng kanyang private parts sa mga gay indie na ginawa niya noon.
Noon kasi may mga eksenang ganyan na ikinakabit sa mga gay indie kung luma na ang mga iyon at inilalabas na sa maliliit na sinehan sa mga probinsiya. Ngayon nang masara na nga ang maliliit na sinehan, ibinebanta na rin ang mga ganoong pelikula sa pamamagitan ng internet.
Wala kasing regulating law sa mga ganyang panoorin kung sa internet. (Ed de Leon)
–30—