Thursday , June 4 2026
Blind Item 2 Male
Blind Item 2 Male

Aktor ‘gigil na gigil’ kay matinee idol

ANG talaga palang crush ng isang gay male star na lumalabas din sa mga bading serye ay hindi talaga ang male star na kasama niya sa serye kundi isang matinee idol na ngayon ay boyfriend naman ng isang aktres na nasa kalaban nilang network.

Natawa rin kami nang aminin niya iyon at tipong kinikilig pa habang ipinakikita sa amin ang mga sexy photo ng poging crush niya na naka-save sa kanyang cell phone. Pati ang mga Tiktok videos ng pogi nai-save na rin niya sa kanyang cellphone na sinabi niyang “pinanonood ko kung malungkot ako.

Huwag na ninyong tanungin kung may ginagawa pa siyang iba kasabay ng kanyang panonood ng Tiktok ni pogi.

Talagang gigil na gigil ang gay male star, lalo na nang marinig niyang pinatulan din ni pogi ang isang male star-model na bi naman at syota ngayon ng isang sikat na aktres. Ibinabalita raw kasi ng silahis na actor-model na ang poging matinee idol ay, “Isa, dalawa, tatlo may sasampalin ka pa.”

Nakakatulog daw ang bading na pinagmamasdan ang picture ng poging actor. (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …