Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, bakit hinahabol pa ng Viva?

IDINEMANDA ng Viva si Nadine Lustre dahil umano sa violation niyon ng kanyang contract. Kahit na sinasabing nakakontrata pa si Nadine sa Viva hanggang 2029, tumatanggap na iyon ng trabaho nang hindi dumadaan sa kanyang management company.

Pero bakit nga ba hinahabol pa nila si Nadine? Ang dalawang huli niyang pelikula, iyong Ulan at Indak ay parehong naging flop. Pumirma siya para sa isang serye sa ABS-CBN, na siguro hindi na rin naman magagawa dahil sa nangyaring shutdown ng network. Hindi na rin naman ganoon kainit ang love team nila ni James Reid. Hindi nila nakaya ang KathNiel, at nilampasan pa sila sa popularidad ng ibang love teams.

Ang masama pang epekto niyan, dahil sa sinasabi ngayon ni Nadine na ang dati niyang management company ay “abusive and oppressive” matatakot ang ibang producers na kunin siya. Wala nang mag-aalok sa kanya ng kontrata, at kung wala ka namang kontrata sa kanila, huwag kang umasa ng build up. Bakit pa nga ba siya hinahabol kung ganoon, eh ‘di pabayaan na lang nila tutal wala na naman.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …