POGI ang male star na singer at nakasama rin sa isang all boys singing group noong araw. Kaso sira ang priorities, nag-singer, tapos gumawa ng isang gay indie film. Nasira ang career. Kung saan-saan yata napunta pagkatapos niyon, at ngayon may mga source kaming nagsasabi na madalas siyang makitang may mga ka-date na gays sa isang lunsod sa north, dahil doon pala siya nakapag-asawa, at maliwanag na “suma-sideline” pa siya hanggang ngayon.
Kawawa iyong mga taong ganyan na dahil sa maling handling ng career, mas napapahamak gayung may pontentials naman na maging sikat na artista. (Ed de Leon)