Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Krystall Herbal products kasangga sa kalusugan sa panahon ng pandemya

Dear Sis Fely Guy Ong,

Alam po ba ninyong malaking tulong sa aming pamilya ang inyong mga produktong Krystall?

Bago ko po i-share ang lahat, ako nga po pala si Lito, isang all-around house maintenance, taga-Parañaque City.

Ngayon pong pandemic, apektado po talaga ang mga kagaya naming no work, no kita. Pero sa mabuting pagpapala po ng Panginoong Diyos, hindi naman kami nawalan ng trabaho, dahil may mga “boss” kaming mapagkalinga. ‘Yung mga dapat i-repair sa kanilang mga bahay ay ipinagawa sa amin.

Maraming salamat po kay Yahweh El Shaddai dahil siksik, liglig, at madalas nga’y umaapaw pa ang biyayang ipinagkakaloob niya sa aming pamilya.

At sa ganito pong panahon ng pandemya, malaking tulong po sa amin ang pagkakaroon ng Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Eyedrops, Yellow Tablet, at Vit. B1B6.

Kapag nakakaramdam po kami ng kakaiba sa aming katawan, agad po kaming nagsusuob at pagkatapos nito’y maghahaplos ng Krystall Herbal Oil, at iinom ng Krsytall Nature Herbs at kasunod noo’y pagpapawisan na, at bubuti na ang pakiramdam.

Bilang alalay po sa immune system, araw-araw po kaming umiinom ng Krystall Vit. B1B6. Kapag nahapo ang mata at tila namumula, papatakan na po ng Krystall Eyedrops. At kapag parang nag-LBM ay Krystall Yellow Tablet at Nature Herbs ang inilulunas.

Siyempre po, hindi kami nakalilimot na mag-face mask kapag lumalabas ng bahay at ngayon nga may dagdag pang face shield. Medyo mahirap po pero kailangan sumunod sa protocol. Pinanatili din po naming malinis ang aming mga kamay. Hindi po kami puwedeng magbasa nang magbasa ng kamay kasi po nagmamartilyo kami, naglalagari, at nagpipintura, kaya ang ginagawa namin ay may nakahanda kaming pamunas ng kamay at alcohol.

Awa po ng Diyos, Sis Fely, malusog po ang aming pamilya at patuloy po kaming nananalangin na ‘wag kaming dalawin ng virus.

Maraming, maraming salamat po.

Sumasainyo,
LITO
Parañaque City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …