TALAGANG mahirap na ngang makawala ang male star sa lover niyang gay politician. Pati pala kasi iyong negosyo niyang matagal nang bagsak bago pa man ang pandemic ay pinasukan ng bagong puhunan ng gay politician para ma-improve at kumita. Gusto raw kasi ng gay politician na kumita ang negosyo ng male star para hindi naman matanong kung saan nanggagaling ang pera niya. Isa pa, parang respeto na rin iyon sa asawa ng male star.
Noong una raw, pumapalag pa ang biyenang lalaki ng male star, hanggang may nagpaalala rin doon na noong araw, nakipag-live in din naman siya sa gay. Kaya ngayon natahimik na rin pati ang biyenan ng male star.
(Ed de Leon)