Thursday , June 4 2026

TV Plus may silbi pa rin, mawala man ang ABS-CBN

HINDI namin malaman kung ano ang controversy doon sa TV plus. Iyang TV Plus ay isang digital receiver, na sumasagap ng digital broadcast ng lahat ng estasyon. Ginagamit iyan para ang ating mga telebisyong luma pa, at analog format, ay makatanggap na ng bagong digital signals. Kung iisipin mo, iyang TV Plus ay parang antenna lamang.

 

Hindi kami gumagamit ng TV Plus, pero may ganyan kaming digital receiver-tuner na ang marka ay GNX, gawa sa China at nabili namin sa Raon sa halagang P600. Mayroong iba pang brand niyan. Mayroong Pensonic, DigitalPlus, at kung ano-ano pa na mas mura, at nasasagap din ang lahat ng digital broadcast maliban sa mga estasyong naka-lock sa ABS-CBN, kagaya ng Teleradyo, Cinemo, Knowledge Channel, YeyKBO at iba pa na sa TV Plus lamang mapapanood.

 

Hindi kailangan ng franchise ng mga gumagawa at nagbebenta ng digital receiver. Ngayon ang GMA ay naglabas na rin ng sarili nilang digital box.

 

Ang dapat lang pag-usapan ay ang franchise ng broadcasting network, o ang franchise ng iba pang networks na ginagamit nila. Mali rin naman iyong tanong na ire-refund ba ng ABS-CBN ang ibinayad sa pagbili ng TV Plus, dahil ang binili ninyo ay digital receiver, na sumasagap din naman ng ibang estasyon. Mawala man ang ABS-CBN, magagamit pa rin ang TV Plus para sagapin ang iba pang free to air tv. Maliban na lang doon sa isang estasyon na naka-lock out naman sa digital box ng GMA 7. Ang mawawala lang ang estasyon ng ABS-CBN, hindi iyong ibang channels, kaya mali rin naman iyong argument na kung mawawala sila, magkakaroon ng kakulangan sa entertainment at balita ang tao, kasi may masasagap pa rin namang iba ang TV plus. Nalilito ang tao sa inyo eh, na para bang kailangan nang itapon ang TV Plus, at iyong iba mas OA pa itatapon na ang kanilang TV kung hindi ire-renew ang franchise ng ABS-CBN.

 

Sige nga itapon ninyo, sabihin ninyo kung saan at pupulutin namin. Maraming mga ampunan o home for the aged ang makikinabang diyan sa balak ninyong itapong TV at TV Plus.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …