BLIND ITEM:
HINDI na kami nagulat nang mabasa namin ang isang comment sa isang website na kilala niya umano ang isang baguhang male star na lumabas sa isang indie sex film. Naging kaklase daw niya iyon sa high school at sinasabi niyang mga bata pa sila, kilala na iyong pumapatol talaga sa mga bakla.
Ganoon din naman ang sinabi ng isa pang nag-comment, na nagsabi namang ang kaklase niya sa high school ay isang male star na naglilinis-linisan ng image. Sabi niya. “high school pa lang kami talagang bakla na siya. Nagdadamit babae pa nga iyan noong araw.”
Hindi naman daw iyon sumasali sa mga gay beauty contest, “sa cheering squad lang.”
Pahuhulaan pa ba namin kung sino? (Ed de Leon)