Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ron Antonio, proud mapabilang sa Team Philippines ng WCOPA

LABAN Pilipinas! Ito ang ipinost sa Facebook ng recording artist at tinaguriang Zumba King of the Philippines na si Ron Antonio kaugnay ng paglahok at paglaban niya bilang bahagi ng Team Philippines sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa July 12 to 21, 2019 sa Hollywood, Los Angeles, California, USA.

Proud nga si Ron na mapabilang sa Team Philippines sa WCOPA ngayong taon. Big blessing ito at birthday gift sa kanya dahil sa mismong kaarawan pa niya nitong July 10 siya lumipad papuntang Amerika.

Dating miyembro si Ron ng singing group na Wiseguys na sumikat noong 90’s. Nagkaroon ng reunion ang Wiseguys sa ASAP Natin ‘To noong June 30 at happy si Ron na muli niyang nakasamang mag-perform ang mga dating kagrupo na sina Edgar Tejada at Joaquin Garcia.

Pagkatapos mabuwag noon ang Wiseguys at magkanya-kanya ng landas, masaya lang si Ron na pagkatapos ng ilang taon muli siyang nakabalik sa recording at nakagawa ng dalawang dance albums—Zayaw Pilipinas at Pinas Zayaw.

Napunta rin si Ron sa mundo ng Zumba. Last year nga ay pinangunahan  niya ang 13,350  Zumba participants na nagtipon-tipon sa Pili, Camarines Sur para makamit ang bagong Guinness World Record bilang Largest Zumba Class in the World. Kabi-kabila at kung saan-saan siya nagpupunta para sa kanyang Zayaw Pilipinas Zumba tours and shows. Humataw din siya on board ng Costa Venezia cruise ship para sa kanyang Zayaw Fiesta Cruise.

Pagkatapos niyang mamayagpag sa Zumba, muli niyang patutunayan ang kakayahan sa pag-awit ng ibang genre hindi lang ng Zumba tracks sa pagsabak niya sa WCOPA.

Post nga ni Ron sa Facebook, “I have been singing practically my whole life. My singing took a backseat when I embraced Zumba as a new career. Having been so engrossed with my new found love i started missing singing, recording and performing I had this inspiration to combine both thus the birth of ZAYAW PILIPINAS. 

“In the middle of my busy touring schedule I have been preparing myself steadily getting in my best fighting form, constantly going to the gym, getting on a diet program and practising my songs.

“This July 12 to 21 in  Long Beach Los Angeles California USA I will be going back to my first love singing and belting my favorite contemporary and pop songs together with me are delegates from all over the country – TEAM PHILIPPINES. We are going to battle it out from a host of other countries from around the world. We need your support.. Pls pray for us as we gear up for battle for the WORLD CHAMPIONSHIPS OF PERFORMING ARTS (WCOPA)”

ni GLEN P. SIBONGA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …