Monday , November 18 2024

Michael V., thankful sa mga papuri ng co-actors

NAKATANGGAP ng mga papuri ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. sa kanyang co-actors sa pelikulang Family History produced by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang production company nila ng asawa niyang si Carol Bunagan.

Pinuri nila hindi lang ang pagiging lead actor ni Bitoy (palayaw ni Michael V.) kundi pati na rin ang pagiging writer, producer, at director ng pelikula, na napagtagumpayan gawing lahat ni Bitoy.

Kaya si Bitoy thankful sa kanyang mga kasama sa pelikula. “Siyempre elated na elated, thankful. To be fair to them, hindi ko naman sila kinuha dahil trip ko lang o ano, pero dahil sila talaga ‘yung karapat-dapat na ilagay sa movie na ito. Hand-picked talaga itong mga ito,” sabi ni Bitoy.

Na-proud nga si Bitoy sa buong cast ng pelikula sa pangunguna ng leading lady niyang si Dawn Zulueta kasama rin sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, John Estrada, Paolo Contis, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo, Mikoy Morales, Nikki Co, Jemwell Ventenilla, Vince Gamad and with the special participation nina Dingdong Dantes at Eugene Domingo.

Very proud din si Bitoy sa kanilang finished product. Napanood na niya ang buong pelikula at ang reaksiyon niya, “Very satisfied ako. Si Misis, nag-uusap kami palagi niyan eh, kasi kami nga ang nag-co-prod, ‘di ba, for Mic Test Entertainment. So, nag-uusap kami habang ginagawa namin ‘yung movie, nagtatanungan kami, ‘Ano gagawa pa ba tayo ng isa pa?’ ‘Naku, parang huwag muna.’ ‘Yun pa rin ‘yung stand niya, pero ako noong makita ko… noong matapos ‘yung movie, ‘Puwede na tayong gumawa ng isa pa!’”

Sulit nga lahat ng pagod at hirap sa paggawa ng pelikula pati na ang laki ng production cost. “Yes, sulit ‘yung experience, sulit lahat for me lalo na noong nag-cinema test. The whole movie okay, wow! At saka ‘pag nakikita ko ‘yung reaksiyon ng first time na makapanood kasi siyempre hindi naman lahat kasama all the way eh, na kasama from the beginning ‘yung iba. Like for example, ‘yung in-charge roon sa cinema, nakita ko ‘yung reaksiyon niya, sabi ko, ‘Okay na ako!’”

Na-proud din ba si Bitoy sa asawa niyang si Carol sa pag-handle nito sa movie as executive producer? “Oo, alam mo more than anybody else siya ‘yung pinakamahirap ang trabaho eh. Eh ako minsan parang hindi ko na alam kung paano iha-handle ang sarili ko, pero siya for some reason, kaya niya,” papuri ni Bitoy sa asawa. (GLEN P. SIBONGA)

About Glen Sibonga

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *