Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP hiniling ng Kamara na maghain ng subpoena sa CT Leoncio, DPWH engineers (P10-B infra projects bubusisiin)

HININGI ng House committee on rules ang tulong ng Philippine National Police (PNP) para padalahan ng sub­poena ang contractor na CT Leoncio Con­struc­tion at iba pang Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa Bicol region na kaila­ngan magpa­liwanag tungkol sa flood control scam at iba pang ‘maanomalyang’ mga proyekto sa Sorsogon.

Ayon kay House Secretary General Dante Roberto Maling, hiningi niya ang tulong ni PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, para mala­man kung saan dadal­hin ang subpoena na inimbitahan sa pagdi­nig ng House Commit­tee on Rules sa 3 Enero 2019 sa Naga City.

Kasama sa mga ipina-subpoena ay sina Consolacion Leoncio, may-ari ng CT Leoncio; at mga opisyal ng DPWH kasama sina Engrs. Virgilio Eduarte, Danilo Verzola, Ignacio Odiaman, Wilfredo Flores, Larry Reyes, Merla Raveche, Jorge Gorimbao, Victor Azupardo, Gil Augustus Balmadrid, Noland Claro Guerrero, Malou Lacuna, Renato de Vera, at Dr. Elenita Tan.

Ayon sa opisina ni House majority leader Rolando Andaya ang subpoena ay nasa  PNP Region 5 na noong 20 Disyembre.

Inaasahan, anila, ang kooperasyon ng mga nabanggit na tao sa pag­dinig dahil kung hindi, sila ay maaaring ipaaa­resto.

“We also expect Ms. Leoncio and the DPWH officials to bring with them copies of transaction documents involving the infrastructure projects in question,” ani Andaya.

Kasama sa tatala­kayin sa pagdinig ang P10-bilyones na infras­tructure projects na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) sa Sorsogon nitong 2018.

“Gusto rin namin mala­man kung nagsi­mula na ang bidding para sa P325-milyong pro­yek­to na pinondohan ng DBM sa taong 2019 para sa iisang bayan sa Ca­sigu­ran, Sorsogon. These projects were included in the P75 billion inserted by the DBM in the NEP (National Expen­diture Program) submitted to Congress,” ani Andaya.

Paliwanag niya ang P325-milyones para sa mga bagong proyekto para sa Casiguran ay parte ng Flood Control Program ng probinsiya. Kasama rito ang  Hi­maoyon Flood Control (P75-M); Lungib Seawall and Embankment (P80-M); Somal-ot Seawall and Embankment (P100-M); Cagpagol River Control (P45-M); at Suji River Control (P25-M).

“Kailangan maipali­wanag sa amin ng DPWH kung bakit ‘bumabaha’ ng flood-control projects sa Casiguran, ang bayan ni Mayor Edwin Hamor na balae ng ating DBM Secretary,” diin ni Anda­ya.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …