Tuesday , March 11 2025

66-anyos abogado, 72-anyos negosyante utas sa kuya, 77 (House ownership pinag-awayan sa almusal)

KALABOSO ang 77-anyos retiradong engineer makaraang pagbabarilin at mapatay ang dalawang kapatid na abogado at engineer saka sinila­ban sa loob ng kanilang bahay habang kuma­ka­in ng almusal kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Sa ulat na tinanggap ni EPD director Chief Supt. Bernabe Balba, kinilala ang dalawang biktima na sina Felicito Soriano, 72-anyos, binata, negosyante; at Enrico Castro, 60-anyos, abo­gado, kapwa nakatira sa Peru St., Greenheights Subd., Brgy. Concepcion sa lungsod.

Inaresto ng awtoridad ang kapatid na suspek na si Nilo Soriano, retired maintenance engineer at residente rin sa nabanggit na lugar.

Nabatid sa pulisya, nag-aalmusal ang mag­ka­kapatid dakong 8:30 ng umaga nang magbanta na papatayin ng suspek  ang dalawa pang kapatid habang nagtatalo tungkol sa ownership ng kanilang bahay.

Hanggang bumunot ng baril si Nilo at pinag­babaril ang mga kapatid na ikinasawi ng dalawa. Hindi pa umano nasi­yahan, binuhusan pa nang isang galon na gas ang bangkay ng dala­wang kapatid at saka sinilaban sa loob ng bahay.

Nauna rito, tinang­kang awatin ng kasam­bahay na si Wilfreda Regonas, 47 anyos, ang suspek ngunit binantaan siya nito at sinabing huwag makialam sa away pamilya at pilit na pina­labas ng bahay.

Nasaksihan ni Rego­nas ang pangyayari ka­ya’t agad na humingi ng saklolo sa pulisya at bombero na ikinadakip ng suspek dakong 10:35 ng gabi na sinabing may 3rd degree burn sa buong katawan kaya kinai­langan dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center nang maapula  ang sunog.

Nakuha sa crime scene ang isang compact handgun at isang maga­zine na wala nang bala.

Kasong double par­ricide ang kinakaharap ng suspek na ngayon ay hawak na ng mga awto­ridad.

ni EDWIN MORENO

About Ed Moreno

Check Also

Jose Antonio Ejercito Goitia

Pag-angkin ng China sa Palawan binatikos ng partylist nominee

SUMIKLAB ang matinding batikos matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng …

Taguig

Kandidatura ni Direk Lino Cayetano, nabulilyaso

SA DESISYONG ipinalabas ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 nitong 5 Marso 2025, …

Pasig City

Tserman inireklamo kay Mayor Vico dahil sa ‘illegal’ multi-purpose hall

NAGHAIN ng reklamo sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kompanya laban …

031025 Hataw Frontpage

Ombudsman kinalampag ng SINAG, graft vs NFA officials pinamamadali

NANAWAGAN ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Ombudsman Samuel Martires na kanilang isapubliko ang …

Enrico Roque Pandi Bulacan

KASONG RAPE VS PANDI MAYOR IBINASURA  
Bogus na biktima buking

HATAW News Team IBINASURA ng Regional Trial Court Branch 121 ng Caloocan City ang inihain …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *