Thursday , May 2 2024
Krystall herbal products

Bisa ng Krystall Herbal Oil atbp Krystall products 24 taon nang subok na subok

Dear Sis Fely,

Ako po si Erlinda V. Capitulo ng Muntinlupa City. Isa po akong user ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder mula pa noong 1994. Mahigit dalawang dekada na po akong gumagamit ng Krystall Herbal products.

Subok na subok na po namin ng aking pamilya ang bisa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder kaya sinisiguro namin na lagi kaming may stock nito.

Mula sa simpleng pagsakit ng ulo, sakit ng tiyan, sakit ng mga kasukasuan, pamamaga, kahit sa sugat, Krystall Herbal Oil ang una naming ginagamit upang maibsan ang pananakit.

Sa madaling paggaling ng sugat naman, pati sa madaling panunuyo ng mga problemang may kinalaman sa balat tulad ng bungang araw, sunburn at an-an, Krystall Herbal Powder naman ang aming kasagutan.

Sa sobrang bisa ng Krystall Herbal Oil at Powder, pati mga kamag-anak namin sa probinsiya tulad sa La Union at Tarlac ay bilib na bilib sa paggamit ng nasabing mga produkto. Kaya sa tuwing uuwi kami sa mga nabanggit na probinsiya, lagi naming dinadalhan ang mga kamag-anak namin.

Salamat kay sister Fely Guy Ong at mga staff ng FGO Herbal Foundation Inc., sa pag-introduce ng napakabisang produktong ito and more power.

(Sgd.) ERLINDA V. CAPITULO
Krystall Herbal user since 1994

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Krystall herbal oil Fur-baby Dog

Fur-baby hiyang din sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *