Saturday , July 27 2024
Krystall Herbal Oil, Foot Cramps

Pulikat ng OFW sa Japan pinagaan ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Isa po akong overseas Filipino worker (OFW) na ngayon ay nagtatrabaho sa Japan bilang entertainer. Ako po si Edison Santiago, 27 years old.

Malaking pagpapasalamat ko po na ako’y napabaunan ng mommy ko ng Krystall Herbal Oil sa aking toiletries lalo ngayong taglamig na sa Japan.

Isang madaling araw po kasi, biglang pinulikat ang kanang paa ko, e wala akong kasama sa quarter, kaya wala akong mahingan ng tulong. Bigla ko pong naalala ang pabaon na Krystall Herbal Oil ni mommy.

Agad ko pong inabot sa drawer ng kama ko ang Krystall Herbal Oil, dahan-dahan akong umupo, at ibinaluktot patungo sa akin ang mga daliring pinupulikat.

Nang tumigil ang pulikat, ramdam ko ang sakit hanggang sa aking muscles sa kanang binti na dali-dali kong hinaplos ng Krystall Herbal Oil.

Simula po noon ay hindi na ako inatake ng pulikat pero tuwing bago ako matulog ay tinitiyak kong nahahaplos ko ng Krystall Herbal Oil ang aking mga daliri at binti sa paa.

Ngayon ko napatunayan na, miracle oil talaga ang Krystall. Nag-request na po ako kay mommy na padalhan ako rito sa Japan ng napakahusay na imbensiyon ninyo Sis Fely — ang Krystall Herbal Oil.

Maraming salamat po
EDISON SANTIAGO
Fukushima, Japan

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …