Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paring nangmolestiya kay Bea Rose, dapat matukoy

PAANO kung hanggang ngayon ay nangmomolestya pa rin ng mga bata sa Masbate ang pari na ‘yon na nanglapastangan kay 2013 Miss International Bea Rose Santiago noong bata pa siya?

‘Yan ang dahilan kung bakit may mga mamamayan na nagsasabing kailangang ibunyag ni Bea ang pangalan ng pari na ‘yon, lalo pa’t sa pagsasalita n’ya sa kanyang Facebook post, matatanto na parang alam n’ya na buhay pa ang pari at ”still preaching somewhere in Masbate.”

Bagama’t di malaking isyu rito sa atin, kasama tayo sa listahan ng mga bansa na malaki ang bilang ng mga pari na sex abusers.  Sa Hollywood film na Spotlight, na nanalong Best Picture sa Oscar’s ng Amerika noong 2016, may inilabas na listahan ng mga bansa na may nagaganap na imbestigasyon tungkol sa sex abuse ng mga pari, at nasa listahan ang Pilipinas.

Ipanalangin natin na magkalakas ng loob si Bea na ibunyag ang pangalan ng pari para maiiwas sa kanya ang mga bata. Inamin naman n’ya sa paskil n’ya sa Facebook na worried siya na baka isang araw ay pagsisihan n’ya ang ginawa n’yang pagtatapat ng mga dinanas at nasaksihan n’yang sexual harassment, kaya’t kailangan ding ipagdasal natin siya na huwag n’yang ika-trauma ang pagtatapat n’ya. Hanggang noong international beauty titlist na siya, dumaranas pa rin siya ng sexual harassment.

Sa Cataingan, Masbate nanirahan si Bea Rose noong bata pa siya, ayon sa Wikipedia, bagama’t sa Muntinglupa siya ipinanganak. Palaki siya ng mga lolo at lola n’ya, pero ‘di nilinaw sa Wikipediakung sa mother’s side o father’s side n’ya ng grandparents ang nag-alaga sa kanya roon.

Mukhang napakaliblib na lugar ang Cataingan. Ang distansya nito ay 77 kilometers southeast of Masbate City. Hanggang ngayon ay malamang na kaunti pa rin ang populasyon ng bayan na ‘yon.

Ayon pa rin sa Wikipedia, ”In the 2015 census, the population of Cataingan was 50,327 people, with a density of 260 inhabitants per square kilometer or 670 inhabitants per square mile.”

Parang isang lugar talaga ang Cataingan na parang madali lang makapagmolestiya ang mga paring dayukdok: maliit lang ang density ng bilang ng naninirahan per square kilometer.

Lumikas ang pamilya ni Bea Rose sa Canada noong 15 years old pa lang siya. Ang Canada ang ini-represent ni Bea Rose sa mga beauty contest na sinalihan n’ya rito sa bansa mula noong 2012. NagingMutya ng Pilipinas muna siya bago siya naging Bb. Pili­pinas Inter­natio­nal at Miss Inter­national ­noong 2013.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …