Thursday , January 27 2022

Ex-beauty queen nagkasakit sa sobrang workout

LAHAT ng bagay ay kailangang ginagawa ng ‘in moderation’ — ‘ika nga, sa isang kasabihan ay ‘masama kapag sobra.’

Naging totoo ito para kay Miss International 2013 Bea Rose Santiago makaraang ipaalam niyang may sakit siya ngayon na chronic kidney disease, at dahil ito sa sobrang workout.

At ayon kay San­tiago, nakadagdag pa sa kanyang problema ang sobrang pre-workout drinks at intense exercise regime para lalo pang lumala ang kanyang karam­daman.

Nag-post ang dating beauty queen ng serye ng mga kuwento sa Instagram bilang update sa kanyang mga follower para ipagbigay-alam ang kalagayan.

Kinompirma nito na may sakit siya:”My kidneys are more sensitive than a normal late 20s woman. I can’t (sic) overdo things and I just found out. Came to the hospital for my severe migraines and we found something potentially more dangerous.”

“I’m thankful but at the same time really scared,” dagdag niya.

At nagpaalala si Santiago: “Guys, if you take pre-workout [drinks] and et al plus heavy workout be careful! Apparently there are many more like me! We damaged our kidneys because of our gym life!”

Bago palitan umano ang inyong diet, ipinayo niyang tiyakin na wala silang “masasamang health history problems” at komunsulta muna sa isang doktor na mapagkakatiwalaan.

Big deal dito sa Filipinas ang mga beauty pageant at ang pagwawagi ng isang major international title ay maaaring ma­ka­pagbukas ng mga pintuan ng opportu­nidad, kung kaya maraming kaba­baihan ang nagsasa­nay para lang magka­roon ng tsansang maka­sungkit ng korona ng isang beauty contest.

Sumusunod din sila sa estriktong diet routine at masinsing fitness regimen para masigurong nasa ‘fighting form’ sila. Ganito ang kaso ni Santiago ngunit may babala din na maaaring humantong sa hindi maganda kung sosobrahan natin ang mga bagay-bagay para makamit ang ating ambisyon.

Paalala ni Santiago, dapat umano ilagay sa ayos ang lahat ng ating ginagawa.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply