ANO iyan, may fans na nagkakampanya na panahon na siguro na ihiwalay na si James Reid sa girlfriend niyang si Nadine Lustre. Kailangan naman sigurong bigyan ng pagkakataon si James na makasama ang higit na mahuhusay na artista at hindi laging si Nadine ang kasama. Mukhang nagsasawa na sila kay Nadine.
Natutuwa sila na may pelikula si James na kasama si Sarah Geronimo. Natutuwa sila na may pelikula siyang solo character. Natutuwa rin sila na guest si James sa concert ni Anne Curtis nang hindi kasama si Nadine. Bakit kaya bigla silang bumalikwas at ngayon ay ayaw na nila kay Nadine?
Kung sa bagay, totoo namang diyan sa team na iyan si James lang ang nagdadala.
HATAWAN
ni Ed de Leon