Wednesday , August 13 2025
Krystall herbal products

Krystall herbal products 19 taon nang kapiling ng buong pamilya

Dear Sis Fely Guy Ong,

Nawa’y bigyan pa kayo ng mahabang buhay, kalakasan, at kalusugan ang inyong katawan pati na ang mga mahal ninyo sa buhay. Nilakipan ko po ng sulat patotoo dahil wala po akong time na maghanap ng telepono sa bayan.

Taong 1998, nasumpungan ko po sa radio ang Krystall Herbal Products ninyo. Inuubo po ako noon at napakinggan ko po sa radio ang Krystall Herbal Oil na epektibo sa ubo at hindi ako nag-atubili. Bumili ako sa Farmacia Fatima sa tapat ng PGH. Ang ginawa ko ipinahid ko sa dibdib at likod. Nakadama ako ng ginhawa sa aking katawan noon at hanggang ngayon.

Nasubukan ko na po lahat ang ibang pro­duk­to ninyo tulad ng Krystall Yellow tablet, Krystall Nature Herbs.

Ang isang anak ko ay sumakit ang tiyan. Una ko pong ginawa ay nag-Salmo po ako tapos pinahiran ko ng Krystall Herbal Oil ang kanyang tiyan. Pinainom ko po siya ng Krystall Nature Herbs.

Iyon lang po at awa ng Diyos gumaling si­ya. Kasi po, ang anak ko ay mahilig sa mala­mig na inumin kaya ganoon ang nangyari sa kanya. Panay ang sabi ko sa kanya na huwag siya lagi uminom ng softdrinks o malamig na inumin.

Salamat sa Krystall products na inimbento ninyo at buhat nang masumpungan ko sa radio hindi na ako nagpapawala sa aming bahay.

Sis Fely, God bless you and more power to you.

                          Nagpapasalamat,
                                SIS FELICIDAD

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Bauertek Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival

“Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival”

 Filipino Inventors shine bright in the recently concluded 4th Silicon Valley International Inventions Festival, held …

SM LittleStars 2025 Grand Finals

Young Talents Shine at #SMLittleStars2025 Grand Finals

THE spotlight beamed brightly at the #SMLittleStars2025 Grand Finals, as the country’s most gifted youngsters …

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

Baguio City – The Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) have …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *