ANG sinasabi ng isang male star, may ka-chat daw siya sa internet na isang babae, at suspetsa niya iyon ang nag-record at nagkalat ng kanyang sex video. Pero may ibang sinasabi ang isa naming source.
“Bading ang kumuha ng kanyang sex video at hindi iyon sa internet, nasa cellphone ng bading. Malabo kasi medyo madilim sa room ng hotel. Huwag na siyang magmalinis, kahit noon madalas siyang makita sa isang hotel na hindi class, dumarating siyang mag-isa dahil nauuna na ang bading na ka-date niya. Bayaran siya ano,” sabi ng aming source.
Iyong aming source ay nagtatrabaho sa isang hotel na katabi lang ng tindahan ng doughnut. Alam mo na Tita Maricris? (Ed de Leon)