Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Krystall Herbal Oil epektibo rin sa pusa at sa iba pang alaga

Dear Sis Fely Guy Ong,

MAGANDANG gabi po, i-share ko po pala sa inyo ang tungkol sa alaga kong pusa. Pinoy na pusa po siya hindi importyed pero mahal siya sa akin.

Ang pangalan ko po sa kanya ay battery, kasi pure black siya. Sabi kasi ng mga tao parang commercial ng Eveready battery.

Babae po ang pusa ko. Napansin ko may pumapatak na dugo sa kanya, sabi ng kapitbahay ko na may alagang asong imported, UTI ‘yan.

Sabi ko UTI lang pala, madali lang ‘yan. Pinainom ko po ng Krystall Yellow tablet. Isang araw tatlong beses ang inom, nawala po agad kinabukasan.

Akala ko magaling na, pagkalipas ng tatlong araw dinugo uli ang pusa ko. Pinainom ko uli ng Krystall Yellow tablet, pero ganoon pa rin.

Akala ko UTI lang talaga, sunod na araw hindi na siya mapakali, panay ang ngiyaw sa akin. Kumakain naman siya, tapos hingal na hingal parang umiiri, humiga sa tabi ko.

Naawa na ako kasi labas na ang dila niya, naisip ko haplosan ng Krystall Oil ang tiyan niya at bandang balakang. Dinilaan niya ang langis sa tiyan niya. Hindi pa rin mapakali, ikot nang ikot sa tabi ko. Kinausap ko na, parang tao. Sabi ko ano ba ang nangyayari sa iyo?

Halos isang oras kong pinagtiyagaan na haplosan siya ng Krystall Herbal Oil, maya-maya pumasok sa basurahan namin na walang laman, nakatayo siya, nakahawak ang kamay sa pina-kabunganga ng basurahan, umiiri talaga, ‘yun pala ilalabas niya ang inunan siguro ‘yun ng anak niya, ay sus, nakukunan pala ang pusa ko.

Kung hindi ko siguro hinaplosan ng Krystall Oil ang tiyan niya nang matagal, hindi nakalabas ang inunan ng kuting niya, malamang namatay ang pusa ko. Kasi may kapatid siya na ipinaampon ko. Nagkuwento ang umampon na nakunan daw ang pusa nila at namatay. Hindi siguro nakalabas lahat ng anak at inunan kasi halos isang linggo din daw dinugo.

Kaya totoo po na hindi lang para sa tao ang Krystall Herbal product, puwede rin po sa mga alagang hayop natin.

Salamat po Sis Fely, naligtas ang buhay ng alaga kong pusa.

Nagpapasalamat,
FELIDA E. PASCUAL
Sto. Tomas, Batangas

 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

 

NATURE’S HEALING
(Back to Basic)
ni Fely Guy Ong

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …