Saturday , November 16 2024
dead gun police

4 patay, 15 arestado sa gun for hire vs PNP Cainta

APAT ang patay makaraan maka-enkuwentro ng mga tauhan ng PNP-Cainta ang mga miyembro ng Highway Boys, grupo ng gun-for-hire na sangkot din sa ilegal na droga at robbery holdup sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal kamakalawa.

Sa ulat ni Supt. Marlon G. Nilo, chief of police, nang matunton nila ang kinaroroonan ng grupo ay sinalakay nila ang lugar ngunit lumaban ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng apat sa kanila at naaresto ang 15 iba pa.

Nakompiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril.

Ayon sa mga pulis, kasalukuyan nilang hinahanap ang mass grave na pinaglilibingan ng grupo sa mga biktimang kanilang napatay.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang impormasyon na inilalagay ng grupo sa drum ang kanilang napapatay at sinesemento saka itinatapon sa ilog.

(ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *