TITA Maricris, hindi maipaliwanag sa amin ni Ismaelli Favatinni kung bakit hanggang ngayon, kalahatian na ng July, hindi pa rin umaalis si Nora Aunor para magpa-opera ng kanyang lalamunan. Inaasahan ng fans na magpapa-opera na siya para makabalik siya agad at makagawa ng bagong recording o makapag-concert man lang dahil baka iyon na ang makapag-resurrect ng kanyang career.
Hindi nagawang ibangon ng kanyang acting at pakurap-kurap ng mata ang kanyang popularidad. Hanggang indie na lang siya na puro naman naging flop. Iyong isa pa nga straight to TV na lang iyong pelikula na ang intensiyon noong una ay ipalabas pa sa mga sinehan.
Sinasabi nga nila, “kumanta lang ulit si Nora ok na iyan”. Eh kailan nga ba magpapa-opera roon sa sinasabing doctor na umopera rin kay Julie Andrews para malaman na natin kung talaga nga bang makakakanta pa siya? Masyado nang matagal eh. Ilang taon na ba siyang nakabalik sa Pilipinas?
O baka naman ang iniisip ni Nora, tutal naman 63 na siya, ilang taon na rin lang ang ilalagi ng kanyang career, eh milyon nga siguro ang kailangan sa kanyang operasyon. Eh hindi ba may nagbigay na naman sa kanya ng pampa-opera noon pa? Kumita rin naman siya kahit na paano. Kung hindi niya gagawin iyon, ano nga ba ang laban pa niya roon sa AlDub, JaDine, at saka roon sa KathNiel na sikat pa naman kahit na paano.
Lalo na ngayong mukhang ayaw nang mag-artista ni Ate Vi (Vilma Santos), matatapos na ang era nila.
HATAWAN – Ed de Leon