DOON sa text message ng kaibigan naming si Jun Nardo, tinawag niyang “hottest love team today” iyong AlDub. Sinabi rin niyang ang pelikula nila ay ang “biggest love movie today”.
Ganyan naman ang sinasabi ng lahat eh, pero sa palagay namin iyang pelikulang iyan ang siyang magiging acid test, para malaman natin kung talaga nga bang tama ang lahat ng sinasabing ganoon.
Tiyak na magkakaroon ng comparison. Nauna nang naipalabas iyong hit movie nina James Reid at Nadine Lustre at iyon ay naging isang malaking hit, kahit na sinabayan ng isa pang pelikulang Tagalog.
Ginagawa na rin iyong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Ngayon makikita natin kung sino nga sa kanila ang pinakasikat.
HATAWAN – Ed de Leon