Sunday , November 16 2025
Rodjun Cruz Joaquin

Rodjun sinasanay na si Joaquin, susunod sa yapak

MATABIL
ni John Fontanilla

PINASALAMATAN ng kauna-unahang champion ng Stars On The Floor na si Rodjun Cruz ang kanyang pamilya sa suporta sa kanya sa buong laban nito na kapareha si Dasuri Choi.

Ito ang pangalawang beses na nag-champion si Rodjun na puwede nang ituring na King of The Dance Floor. Nagwagi rin ito 18 years ago sa U Can Dance.  

Ayon kay Rodjun, “Gusto ko lang magpasalamat sa wife ko (Dianne Medina) kasi sobrang supportive talaga niya, and noong nanalo ako umiyak din ‘yan kasi alam ko ‘yung love niya sa akin.”

Dagdag pa nito, “Siya ‘yung nakakakita kapag umuuwi ako sa bahay na, ang sakit ng likuran ko, ‘pag gumigising ako na may stif neck, masakit ang braso ko, sila nila Rayver, ‘yung kuya ko si kuya Omar. Sila ang nagpapalakas ng loob ko.”

Pinasalamatan din nito ang kanyang beautiful kids na sina Joaquin at bunsong si Isabella.

“And siyempre ‘yung kids ko, si Isabella marinig lang ‘yung ‘Stars on the Floor’ pumapalakpak  na ‘yan.

“Tapos si Joaquin naman kasi umuuwi ako mga 12:00 midnight na, hinihintay ako niyan palagi. Hinihintay ako niyan, sa sala namin, ‘di pa ako kuntento sa rehearsal, dahil siyempre gusto ko nga ma-perfect sa day niyong laban, nagre-rehearse pa ko niyan.

“Sabi ni Joaquin, ‘What are you doing?’ Sasabihin ko, ‘ I’m just practicing my contemporary dance.’ Kaya ‘pag sinabi ko ko ‘we do the contemporary dance’ nag- slide, slide ‘din ‘yan, umiikot-ikot kasi nakikita ako ni Joaquin.

“Siyempre sa future sigurado na ‘yan, dahil tuturuan ko ‘yan sumayaw, kumanta lahat-lahat,” pagtatapos ni Rodjun patungkol sa mga anak sakaling tahakin din ang pagsasayaw at pag-aartista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …