MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pag-arte at pagiging solo singer ay pinasok na rin ng Pepito Manaloto actor ang pagba-banda. Vocalist ito ng grupong Dear Dina.
Ang kanilang carier single ay ang awiting Nabighani na tungkol sa kuwento ng pag-ibig, hiya, at koneksiyon. May halong pop, rock, at indie ang influences nila.
Kaya naman tiyak makare-relate ang mga Pinoy na may pagka-torpe, marurupok, at hopeless romantic.
Inspired ito sa real-life love story nina Jake at ng girlfriend niyang si Inah de Belen! na magkahalong kilig, kaba, at hiya at ‘di raw makapagsalita pero pinipigilan ni Jake nang makita niya si Inah.
“The word ‘Nabighani’ has this beautiful Filipino charm. It describes that unexplainable feeling of being drawn to someone. It’s tender, emotional, and authentic — just like the story behind the song,” sey ng banda.
Mapakikinggan ang Nabighani ni Jake at Dear Dina sa lahat ng digital music platforms worldwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com