MATABIL
ni John Fontanilla
PAREHONG naging matagumpay ang back-to-back events ng paborito naming banda, ang InnerVoices last October 23 sa Hardrock Cafe Manila at noong October 24 sa Bar IX Molito.
Inilunsad at ipinarinig ng Innervoices ang kanilang mga bagong awitin. Isang press launch ang naganap sa Hard Rock Cafe Manila at na-enjoy namin ang kanilang Christmas song, ang Pasko sa Ating Puso. Ipinarinig din nila ang Shadows, I Will Wait for You in the Rain, at Saksi ang mga Tala.
At noong Biyernes October 24, 2025 ay ginanap sa Bar XI Molito, Alabang, ang offical launching ng kanilang four new songs na release sa social media digital platforms.
Bukod sa nabanggit na mga event ay sobrang blessed ang InnerVoices sa dami ng gigs, radio at TV guestings, na namamayagpag ang kanilang awitin at humamig ng mataas na boto sa Vibe.ph Music Countdown sa TV5.
Lahat ng bagong awitin ng InnerVoices ay maganda at iba’t iba ang flavor na swak na swak sa panlasang Pinoy na mahilig sa OPM Music.
Ang InnerVoices ay kinabibilangan nina Patrick Marcelino(Vocalist), founder at key boardist na si Atty. Rey Bergado, Rene Tecson (guitar), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboards), at Joseph Esparago (percussion).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com