Tuesday , November 11 2025
Im Perfect MMFF Sylvia Sanchez

I’m Perfect tamang-tama sa araw ng Pasko!

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA ang pelikulang I’m Perfect ang dapat panoorin at suportahan Metro Manila Film Festival 2025 ng Nathan Films ng pamilya Atayde.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may entry sa MMFF na ang kuwento ay ukol sa mga down syndrome at sila mismo ang bida. 

Ayon kay Sylvia Sanchez, nag-pitch sa Nathan Films ng dalawang pelikula si direk Andrea Sigrid Bernardo. Ang una ay para sa mag-asawang  Arjo Atayde at Maine Mendoza at pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Aquino, pero pareho niya itong tinanggihan pansamantala.

Pero nang i-pitch sa kanya ni direk Sigrid,  ang I’m Perfect na 2014 pa pala nito naisulat, nagustuhan niya. Kaya ito ang pelikulang kanilang ginawa.

Sampung itinuturing na anghel ni Sylvia ang kasama sa I’m Perfect, dalawa ang bibida at walo naman ang lalabas na kabarkada. May mga makakasama rin silang autistic at may cerebral palsy sa pelikula na ayon sa premyadong aktres, pare-perohong mahusay umarte.

Makakasama ng sampung bata na may down syndrome sa I’m Perfect ang mahuhusay na actor sa bansa na sina Sylvia, Lorna Tolentino, Joey Marquez, Janice de Belen at mapapanood na sa December 25, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …