Tuesday , November 11 2025
Jillian Ward Chavit Singson Boy Abunda

Jillian Ward pinabulaanan relasyon kay Chavit Singson

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING itinanggi ni Jillian Ward ang mga kumakalat na malisyosong balita na umano’y may relasyon kay dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Sa show ni Kuya Boy Abunda na Fast Talk  with Boy Abunda ay sinabi ng Kapuso actress na ‘di totoo ang balita at never pa niyang na-meet o nakausap si Manong Chavit.

Ayon kay Jillian nang tanungin ni Kuya Boy, “kilala mo si Manong Chavit? Have you met him? May mga inter-action ba kayo, engagement, you and your family? What is your side of the story?”

Tito Boy, ito na po ang first and last time I will speak about this. Never ko po siya nakilala. Never ko po siya na-meet. Never ko siya nakausap. Never po kami nagkita.

“So hindi ko po alam paano po nila, paano po nila nagawa-gawa ito (pagli-link).  Kasi po never ko talaga siyang na-meet, never ko siyang  nakausap.”

Dagdag na tanong ni Kuya Boy, “I Think also roon sa ‘yong birthday kung ‘di ako nagkakamali, they are refering na Manong Chavit Singson, he was one of the sponsors kung hindi ako nagkakamali, na dumaan daw sa back door ng Okada at marami pang mga detalye? To which you say hindi totoo.”  

“Hindi po talaga totoo,” muling giit ng dalaga. “I never met him, never po kaming nagkausap. I never met him.

“Hindi ko nga alam kung kilala niya po ako, hindi po talaga kami magkakilala,” paliwanag pa ni Jillian.

Susog na tanong uli ni Kuya Boy, “Doon sa mga comment, may nagsasabing ninong umano ng isa sa kapatid mo si Manong Chavit 

Singson, is this true?

Oh no, never po namin siya na-meet. Kaya nga sinasabi ko po, kung mayroon po silang sinasabing cctv footage ilabas nila, ‘wag lang AI, dahil hindi totoo,” paghamong tugon ni Jillian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …