Sunday , November 16 2025
Will Ashley Alden Richards

Alden may payo kay Will: bigyan mo ng importansiya lahat ng taong nandito ngayon

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang pasasalamat ni Will Ashley sa kanyang Ultimate Idol na si Alden Richards na nag-guest sa matagumpay niyang concert sa New Frontier Theater kamakaikan.

Ayon kay Alden, nakikita niya ang sarili kay Will noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Alam mo Will, pinapanood kita sa gilid kanina and then, ah it’s so nostalgic fo me kasi nakikita ko ‘yung sarili ko sa ‘yo before.

“But uhm, siguro it’s been awhile since we last so each other. ‘Yung last na pinagsamahan naming teleserye ni Will is ‘Destined to be Yours’ long time ago.

“You’ve come a long way, maraming nagmamahal sa ‘yo. Before mas trumiple, ngayon mas kumadruple pa,” wika pa ni Alden.

Binigyang-payo nga ng  Asia’s Multi Media Star  

si Will. Anito, “But siguro ang maa-advice ko sa ‘yo Will, as your kuya, grabe no kuya na ako. Actually dito rin po ako  nag-first concert, same na same, New Frontier, and ahh I think what I can give you as your older brother and in the industry, this is your chance Will.

“This is your chance, bigyan mo ng importansiya lahat ng taong nandito ngayon, use what you have right now for a purpose, higit pa sa hiyawan at palakpakan ng mga tao.

“I-inspire mo sila na gumawa ng mabuti. I think that was really matters. I think that will give you longevity.

“I think base on experience, kasi ‘pag mabuti ang intensiyon mo at mabuti ang puso mo, at maganda ang intensiyon mo sa mga bagay at mga pagkakataong dumarating sa ‘yo, you can never go wrong Will.,” ani Alden.

Those people are the living testaments to that, and ang masasabi ko lang guys hindi kayo mali ng sinuportahan.

“Ito ang ‘wag na ‘wag mong kalimutan as an individual. Will, lahat ng mga bagay na dumarating sa atin deserve natin kasi may nagawa tayong mabuti, of course kahit naman before experiencing all this things right now, minsan parang wow parang andito na ako ngayon, I’m living my dream right now.

“But don’t forget that  you work had for it and you deserve it. Don’t forget that, maging mabuting tao kang palagi, congratulations,” dagdag pang payo ni Alden kay Will.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …