VERY thankf si Will Ashley sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanyang showbiz career.
Sa darating na Metro Manila Film Festival 2025 ay dalawa ang entries nito, ang Love You So Bad na makakasama sina Bianca de Vera at Dustin Yu at ang Bar Boys: After School na makakasama naman sina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, at Klarisse de Guzman.
Sa Instagram account nito nag-post ang aktor ng mensahe na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na isa-isa nang natutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
“Mood right now!! Only a crazy dream until you do it! Mag kita kita po tayo sa PASKO para sa MMFF!!!”
“Maraming salamat po sa pag mamahal at suporta. Maraming salamat sa tiwalang ibininigay niyo sa akin. Mahal ko kayong lahat!!!”
“Isa lamang itong pangarap dati. Who would’ve thought na sa unang MMFF dalawa na malapit sa puso kong pelikula ang mapapasama dito! Patuloy po natin suportahan ang pelikulang Pilipino!!”
Libo-libong tagahanga nito ang nag-heart sa post.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com