MATABIL
ni John Fontanilla
NASA Amerika ngayon ang tinaguriang RNB Prince na si Kris Lawrence para mag-perform at tanggapin ang award bilang isa sa 100 Most Influential Filipinos 2025 sa 15th Annual Tofa Awardssa October 17, sa Las Vegas.
Post nito sa kanyang Facebook account, “Honored to receive an award for top 100 most influential Filipinos! See you guys oct 17 & 18 at New Orleans in Las Vegas!
“Thank you to Enteng Perez & Jsy Ags “
At sa Oct. 18, Saturday, 7:00 p.m. naman ay isang special show, ang Piliin Mo Ang Pilipino ang magaganap para parangalan ang 100 Outstanding Filipinos in the World Awardees 2025 sa The New Orleans Hotel & Casino, Las Vegas.
Makakasama ni Kris sina Garth Garcia, Mark Mabsa, Jaya, Tootsie Guevarra, at Mr. Nonoy Zun̈iga.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com