MATABIL
ni John Fontanilla
PANGUNGUNAHAN ng international singer na si David Pomeranz ang mga OPM icon at celebrities sa fund-raising concert na Padayon Pilipinas na inorganisa ni Dr. Carl Balita para matulungan ang mga naapektuhan ng lindol.
Makakasama ni David sina Dulce, Jamie Rivera, Richard Reynoso, Chad Borja, Renz Verano, Rannie Raymundo, Bayang Barrios, Isay Alvarez, Vehnee Saturno, Ladine Roxas , Ala Kim , Carla Guevara-Laforteza, Vina Morales at marami pang iba.
Ang Padayon Pilipinas ay magaganap sa October 28, 2025 sa Fr. Peter Yang SVD Hall, Saint Jude Catholic School sa San Miguel, Manila.
Ang lahat ng malilikom na pera mula sa sponsors at benta ng ticket ay ido-donate sa lahat ng pamilya na biktima ng lindol.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com