MATABIL
ni John Fontanilla
PINUSUAN ng netizens ang ginawang pagre-repost ni Nadine Lustre ng video ng isa sa pinakamatapang na naging senador, ang yumaong Miriam Defensor-Santiago sa kanyang Instagram.
Ang video ay tungkol sa naging pahayag ni Sen Miriam kaugnay sa nagaganap na korapsiyon sa bansa na dahilan ng paghihirap ng ating mga kababayan.
“Why is this country so poor? Why is life so hard? Because politics in this country is so corrupt,” ani Sen Miriam.
Ang pagre-repost ni Nadine sa video ni Senator Meriam ay pagbibigay lamang ng awareness sa ating mga kababayan sa laganap na korapsiyon sa ating bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com