MATABIL
ni John Fontanilla
MAGAAN daw kasama at katrabaho si Jayda Avanzado ayon kay Dylan Menor kaya naman naging maganda kaagad ang kanilang chemistry sa Viva One and Cignal Play first ever mystery crime-thriller Wattpad series adaptation, AkoSiIbarra’s
series na Project Loki na ididirehe ni Xian Lim.
Ayon kay Dylan sa naganap na Story Conference and Cast Reveal ng Project Loki last October 14, 2025 sa Viva Cafe, madaling na-develop ang chemistry nila ni Jayda.
“Actually me and Jayda we work. Sa teaser, sa look test and yesterday sa pictorial, and everytime we get to work, parang it develop the chemistry.
“Hindi naman planado ‘yung ganoong mga moment pero it just happen, it just build and grows, and i’m very thankful. Kasi unang meet pa lang namin ni Jayda ang gaan niya kasama and for sure ang gaan niya rin katrabaho,” sabi ni Dylan.
Dagdag pa ni Dylan, “Naalala ko first time namin na mag-shoot ng teaser video nag-Tiktok kaagad kami. So, parang naging confi na kami sa isa’t isa, so that’s a good sign.”
At para lalong mas mapag-aralan nito ang kanyang character sa Project Loki ay nagbabasa ang actor ng libro at nanood ng pelikula at series na similar sa gagawing series.
“As much as possible we want to read a book or similar movie or series that are relatable or similar with ‘Project Loki.’
“So, ang ginawa ko, ‘yung kuya ko kasi ‘yung kapatid ko, willing magbasa. Ako po kasi hindi masyado, sabi ko, ‘kuya bili ka ng ‘Project Loki’ lahat ng volume Ipay you na lang.’
“Siya kasi ang magaling sa internet, sa online, sabi ko ‘bili ka.’ I try to read, kasi I really want to study the character lalo na big role siya for me. So ‘yun talaga, that’s why right now I started reading volume one and then part two para mas maintindihan ko ‘yung character.
“And malaking tulong din ‘yung workshop namin with Direk Xian, with Jayda and si coach, looking forward for more workshops kung mayroon.
“And ‘yun, nanood din ako ng mga series. As I mention earlier, I read ‘Sherlock Holmes,’ and pasok siya sa ‘Project Loki.’ Very similar, same same lang but different,” esplika pa ni Dylan.
Gagampanan ni Dylan ang role bilang si Loki, ang leader ng QED Club, kasama sina Jayda bilang si Lorelei, Marco Gallo bilang si Luthor, Martin Venegas as Alistair, at si Yumi Garcia bilang Jamie with Love Yauco as Margarrete, Iven Lim as Bastien, Joanna Lara as Rhiannon, Michael Keith as Rye Rubio, Ashley Diaz as Rosetta and Kurt Delos Reyes as Stein.
Mapapanood na ang AkoSiIbarra’s mystery-crime thriller series Project Loki sa Cignal Play at Viva One app.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com