MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa rumampa sa 2025 Manila International Fashion Week na inorganisa ni Bench Bello, ang celebrity businesswoman at philanthropist na si Cecille Bravo. Ito ay ginanap sa Golden Ballroom, Pearl Wing ng Okada Manila kamakailan.
Ibinida ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Japan, Korea, Russia, USA, United Kingdom, Pilipinas at iba pa ang kani-kanilang magagandang disenyo.
Nangningning at pinalakpakan ang collection ng iconic Filipino designer na si Mama Rene Salud.
Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ang unang labas sa runway ni Ms Cecille suot ang magarang 70′ creation ni Marjorie Renner at ang pangalawang labas nito suot ang napakagandang Modern Filipiniana na gawa ng tinitingalang designer sa bansa na si Mama Rene na tumanggap ng standing ovation ng gabing iyon.
Ilan sa nakita naming sumuporta at nanood ng Manila International Fashion Week 2005 ang mga beauty queen na sina Patty Betita at Charo Laude, businessman & philanthropist RS Francisco, celebrity designers Jovan Dela Cruz and Nin̈o Angelese, Barangay LSFM DJ Janna Chu Chu, New York based Pinoy Nurse Ralston Segundo atbp..
Rumampa rin sina Sheralenr Shirata, Jinky Baja, Lynn Bautista, Faith Silva, Jill Chapman, Shalona McFarland, Jenny Mercado Ortega, MIF Models, Elias J, Maggie Chavez, Beverly Labadbad, Jean Francisco, Dra. Cristina Alberto, Angel Banez, Maria Maloles, Jessie Maloles, Ysa George, Lui Valones, Dra. Melanie Eden Grace Ibale, Josh Flores, Sinclaire Castro, Eren Noche, Marilou Resuello, Kay Ang, Rufina Villena- Gelston, Hannah Arnold at marami pang iba.