Monday , June 16 2025
Valerie Tan I Heart PH

Valerie Tan gustong makapag-host ng game at variety show; I Heart PH Season 10 mas pinabongga  

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED ang mahusay na host na si Valerie Tan sa Season 10 ng  38th PMPC Star Awards for Television Best Lifestyle and Travel Show, I Heart PH  na ang destination  ngayon ay sa Hong Kong.

Kuwento ni Valerie sa ginanap na mediacon, mas pinalaki, pinabongga, at to the next level ang kanilang show.

“Ginawa naming bonggang-bongga to the next level ang ‘I Heart PH’ for this season. Inumpisahan namin with the trip to Hongkong.

“So pupunta kami, the usual, Disneyland, nag-night market kami, shopping, foodtrip, pero bukod diyan na-discove din namin ‘yung mga hindi pa napupuntahan ng mga Pinoy. Pumunta kami ng fishing village, ‘yung Hong Kong pala before siya maging urban, fishing village siya.

“We also visit the monastery, nag-attend din kami ng isang festival na sikat sa kanila, Bun Festival. Sikat ito sa locals na gusto rin naming makilala ng mga Pinoy para kapag nagpunta sila sa Hong Kong, dadayuhin din ito.”

Bukod nga sa pamamasayal at pag-attend ng festival ay nag-foodtrip  at tinikman nito ang iba’t ibang pagkain sa  HK.

Sa ngayon ay ang  HK muna ang itatampok ng I Heart Ph Season 10.

“For now Hong Kong muna, pero siyempre tuloy-tuloy pa rin kaming maghahatid ng mga kuwentong Pinoy. Lifestyle, technology, travel, food atbp. Health also.”

Bukod sa Hong Kong ay gusto ring mapuntahan at ma-feature ni Valerie ang Switzerland.

“Kung mangangarap lang itodo na natin ‘di ba, Switzerland. Kasi para raw postcard and i never been there. Na kahit saan ka raw tumingin akala mo nasa painting ka.”

Plano mo rin bang pumunta ng Mount Everest?

“Hindi wala akong lakas ng loob at training para riyan, pero rito sa ‘I Heart Ph’ nag- climb ako ng isang parang tower siya. ‘Yun ‘yung part sa Bun Festival, tradition kasi nila roon ‘pag nag-climb ka parang susuwertihin ka.”

Wala kang fear of heights? 

“Wala, wala tayong fear of heights. So, talagang ginawa ko lahat para sa show, I’m sure mag-eenjoy ‘yung mga viewer.”

Memorable para kay Valerie ang kanyang trip sa Hong Kong, lalo ang pagpunta niya ng Disneyland.

“Memorable ‘yung pagpunta ko sa Hong kong Disneyland, kasi  may bago sila, ‘yung frozen and naalala ko kasi ‘yung first ever na nagkaroon ako ng suweldo, 20 plus years old ako dinala ko ‘yung mom ko sa Disneyland. Parang may nostalgia factor siya. Nakabalik ulit ako sa Hong Kong Disneyland mismo kaya masaya, para kang bata ulit.”

At kahit nga matagal na itong nagho-host ay may challeges pa rin siyang pinagdaraanan sa kanyang trabaho.

“I guess ‘yung you ned to keep up the energy kasi minsan long hours ‘yung taping, long hours ‘yung shoot pero always remember na host ako na isi-share ko sa viewers ko ‘yung experience ko. Na kahit pagod okey lang kaunting kape lang, kaunting sugar kaya naman. 

“And ang maganda riyan when I’m on stage, I’m really happy, kasi feeling ko home ko talaga siya, masaya talaga ako. Kahit na may problema ako, pag-akyat ko na ng stage nawawala siya nakakalimutan ko siya and i feel like kaya nagre-resonate ‘yun sa tao it’s because napi-feel nila ‘yung energy ko and happiness ko and ‘yung vibe ko.

“’Pag ‘di ako nagho-host malungkot ako, source of happiness ko siya.”

At ang pagiging host ang pangarap ni Valerie noong bata siya.

“Noong bata pa ako, ako ‘yung sumasali sa school namin sa declamation contest, sorry pagyayabang lang, ako ‘yung laging nananalo every year.

“So parang doon nagsimula ‘yung love ko for public speaking, hosting tapos nag-continue na ‘yun up until nag-graduate ako sa Ateneo. Itinuloy ko na siya, pumasok ako ng Gantimpala Theater Foundation, nag-commercials ako and nakapasok ako sa GMA noong nanalo ako sa ‘May Trabaho Ka.’ It was a reality show looking for  a public affair host.

“Doon na po ‘yung naging break ko na nakapasok sa live events at saka sa TV.” 

Pangarap ni Valerie ang makapag-host ng game show at variety show.

“I want to host a game show, I want to host a variety show, marami pa. Feeling ko ang dami ko pang kakayahan na puwede ko pang maipakita,” sambit pa ni Valerie.

Mapapanood ang three part ng Hong Kong destination ng  I Heart PH Season 10  simula Hunyo 8, Linggo, 10:30 a.m. sa  GTV, hatid ng TV8 Media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bagets The Musical

Bagets bubuhayin sa stage musical

I-FLEXni Jun Nardo BUBUHAYIN sa stage ng Newport Hotel ang 80s iconic movie na Bagets next year. …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz ClashBackers

Rayver, Julie Anne pangmalakasan opinyon sa ClaskBackers

I-FLEXni Jun Nardo PANGMALAKASAN ang bagong season ng GMA’s singing search na The Clash. Magbabakbakan kasi sa ongoing …

Arkin Lagman Pabalik Na

Model/actor Arkin Lagman recording artist na

MATABILni John Fontanilla Recording artist na ang model/actor na si Arkin Lagman under Old School Records and Star Music. Ipino-promote niya ngayon …

Patricia Javier

Patricia nag-ala sirena (Matapos maging Fairy Barbie)

MATABILni John Fontanilla FAIRY Barbie ang tema ng birthday ni Patricia Javier last year at …

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …