MATABIL
ni John Fontanilla
MULA June 4 ay sa July 30 na mapapanood ang magandang pelikulang Lasting Moments na pinagbibidahan ng equally good actors na sina JM De Guzman at Sue Ramirez, sa napakahusay na panulat at direksiyon ni Fifth Solomon, hatid ng Passion 5 Studios.
Sa presscon at premiere night ng Lasting Moments na ginanap sa SM Megamall Cinema, sinabi ni Fifth na hindi na sa June 4 kundi sa July 30 na mapapanood ang kanyang pelikula.
Pero nauunawaan naman ni Fifth ang desisyon ng mga cinema owner at sinunod naman nito ang payo ng kanyang distributors.
Ayon kay Fifth, “My ia-announe lang ako, alam niyo naman na nag-post ako kagabi patungkol sa struggle ng pelikulamg Filipino, and ayon lang it’s not an attack, it’s a thing for us to have a discussion.
“I think para magsimula ang pagbabago, bago magsimula ang pag-angat ng bagay o industriya, kailangan natin pag-usapan.
“Hindi siya para punahin. Ang akin gusto ko magsalita, para malaman natin kung ano ba ‘yung mga hakbang na puwedeng gawin ng ating gobyerno, ng FDCP, ‘yung mga namumuno dahil ito po ay ‘di pag atake kung hindi paghingi ng tulong.
“Hindi lang po sa akin pati na rin po sa ating manggagawang Filipino, mga umaasa, ang ating mga crew, P.A, staff, ang sarap kasi gumawa ng pelikula.
“Sa lagay po natin streaming digital age, gusto ko ibato ‘yung tanong na ano ba ‘yung puwede nating gawin para makasabay tayo sa foreign films, sa digital era?
“Kailangan ba natin pababain ang presyo ng ticket, kasi ang minimum wage ay magkano nasa P500 to P600, ang ticket nasa P500 to P700 baka sa paraang ‘yun kung mas mura ang Filipino film baka mas piliin din nila.
“Sabi ko nga para magkaroon tayo ng laban sa mga foreign film, at naiintindihan ko naman ang mga mall (owners) bilang negosyante rin, kung ako tama naman ‘yung ginagawa ng mall (owners) na mas pipiliin nila ‘yung kung saan sila kikita which is sa foreign film.
“I think ang mas kailangan na gumitna rito, ang gumawa ng kahbang ay ang ating gobyern, ang FDCP na marami ring film makers na katuwang sa FDCP na maaari tayong tulungan.
“Ano pa ‘yung mga hakbang na puwede nating gawin para mahikayat natin ang mga manonood hindi lang puro Metro Manila Filmfest ‘di ba?
“Kasi marami tayong Manila Filmfest sa tuwing February sa LA, baka po ‘yun dito muna tayo, ayusin natin magtulungan tayo. Kapag kailangan niyo ng suggestions nandito po kami gawa tayo ng gc.
“Dahil diyan kinausap ako ng aking distributor, mababa nga po ang bilang ng aming sinehan dahil malakas po si ‘Karate Kid,’ si ‘Lilo & Stich,’ si ‘Mission Impossible,’ si ‘Final Destination,’ so ang kanila pong advice sa amin na binigyan naman namin ng pagtitiwala ay i-move ang aming showing to July 30. Kasi nga mayroon pang ‘Superman’ ‘di ba na lalabas ng July 9. Kapag sumabay tayo baka apat lang ang ating sinehan.
“Again po this is a call for help to have discussion, a healthy discussion para po mas mapabuti pa natin ang pelikulang Filipino. So, abangan po natin ang
‘Lasting Moments,’ ipakalat n’yo po parang tsismis na July 30 na po ang showing ng ‘Lasting Moments,’ maraming salamat po,” mahabang pahayag ni Fifth.
Ang Lasting Moments ay pinagbibidahan nina JM De Guzman at Sue Ramirez with Kych Minemoto, Vic Silayan, Wendy Villacorta, at Tommy Alejandrino, written and directed by Fifth Solomon under Passion 5 Studios, showing on July 30 in cinemas nationwide.